Multong Bahay (85)

NAHIRAPANG tanggapin iyon ni Don. “Ikaw? Parang tanim na maluluoy?”

 “To say the less ... yes, Don.”

“You don’t deserve that ...”

“Hindi iyon, e. Hindi naman naging akin ang katawan na ito bilang premyo. Kundi gusto ko lang ayusin ang buhay ng mga magulang ni Agyana habang siya ay pinaparusahan pa bilang multong buhay.”

“You don’t feel like you lose something kapag para ka nang tanim na nalanta?”

“I should not. Ang mukha at katawan na ito ay isa lang vehicle sa ­aking misyon. Meron na akong sariling anyo, ang kaluluwa sa purgatoryo. And I am happy with that image. Dahil ako iyon.”

Para namang natauhan si Don sa kanyang narinig.

“Alam mo, ako itong mali, e. Being a true human, particular ako sa physical na anyo. But don’t worry, I am learning. Natatanggap ko na ang katotohanan tungkol sa babaing mahal ko.”

“It is so good to hear that. At least, malinaw. Hindi ka na mabibigla.

“Paano mo siya mahahanap, Agyana?”

“Sa ... lugar ng pamilya mo. Kaya kailangang sabihin mo sa akin. Dahil with her dark power now, baka nga matutunton niya ang pamilya mo and do the evil thing.”

“Okay. Heto ang address. And maybe magkikita na lang tayo doon dahil papunta na rin ako. See you, Agyana.”

“Yes, Don.”

“Sasama ako, ha, Agyana?”

“No, Kerubina. Kailangan ka dito ng mga magulang ko. They need protection. At  kahit bata ka lang, may kakayahan kang lumaban sa mga masasama. Alam mo ‘yon, ‘di ba?”

Tumango si Kerubina. “Pero kaya mo talaga? Okay ka lang?”

Ginulo ni Agyana ang buhok ng bata. “Malalaki na kami. At tatlo pa. Si Don at ang pari. Kaya huwag kang masyadong mag-aalala, okay?”

“Okay.”

Nagpaalam si Agyana sa mga magulang.

“Kinakabahan ako rito sa pupuntahan mo, anak. May pakiramdam ako na hindi ka magiging ligtas.”

“Tama ang Inay mo. Masama rin ang kutob ko.”

“Aaminin ko ho na maaring isang malaking laban ang pupuntahan ko.”

“Na ang kalaban ay ang multong buhay na ... sabi mo nga ... anak din namin, nag-iba lang ang itsura?”

ITUTULOY

 

Show comments