Multong Bahay (33)

NAGULAT din ang multong buhay nang makita si Donna. Ang dalagang Aguilar ay biglang sumigaw.

“AAAAAAAHHHHH!”

Mabilis na nakapag-isip ang multong buhay.

Hindi dapat na masigurado ng dalagang Aguilar na nakita siya.

Dahil hindi effective ang pagpapabaliw sa ginang na Aguilar kapag may makakapagpatotoo na totoo ngang may multong buhay.

Kaya biglang nagtago sa  mas madilim sa bahagi ng hardin ang multong buhay.

Nang mahimasmasan si Donna, wala na siyang maaninaw sa mga tanim.

“Oh, my God! Did I just saw that or ... imagination lang?”

Nilakasan ang loob, inaaninaw pa ang mga makakapal na tanim.

Matagal ding nakatingin doon.

Hanggang napaniwalang namalik-mata lang siya.

“It’s nothing. There’s nothing. “

Tinawag pa ang maid. “Tinay! Tinay, halika dito, please!”

“Bakit po, Ma’m?”

“Tingnan mo ‘yan. Iyang gitna ng mga tanim na makapal na ‘yan.”

“Yes, Ma’m. Naka­tingin na p o ako.”

“Titigan mo pa. Ano ang nakikita mo? Ah , teka ... itingin mo muna sa ibang lugar ang mga mata mo. Diyan sa ilaw na nakatunghay sa pool. Tumingin ka.”

“Yes, Ma’m. Nakatingin na rin po.”

“O bigla mong itingin diyan sa makapal na tanim na ‘yan, doon sa gitna talaga.”

“Ay!”

“Na-nakita mo rin? Pangit na nakakatakot na nilalang?”

“Yes, Ma’m! Nakita ko nga po!”

“Ha? May nakita ka? Tingnan mo pa, kapag may nakita, aba, dapat na talaga tayong tumakbo! Dahil baka kung ano ‘yan!”

Maya-maya kumalma ang maid. “Ma’m, mukhang wala naman. Baka akala ko lang. Baka tingin ko lang ‘yon kasi nga di ba  pinatingin mo ako sa ilaw sa pool?”

“Yes.Oo nga. Ganoon nga rin siguro ang nangyari sa akin? May play of image kasi ang mga mata ko ay galing sa ilaw sa pool kanina.”

“Ah, nangyari rin sa inyo, Ma’m?”

“Kaya nga napasigaw ako, ‘di ba? Narinig mo ‘yon.”

Nakarating na pala si Don Aguilar at nakalapit na sa kanila. “Ano ba problema dito, sis?”

Itutuloy

Show comments