Mabubuhay ka ba ng walang partner?

“Para sa isang taong sanay nang mag-isa, o matagal walang girlfriend tulad ko, oo naman. Una sa lahat, nariyan naman ang aking pamilya at mga kaibigan na maaari kong gawing inspirasyon. Hindi naman nalilimitahan sa girlfriend o asawa ang buhay natin.” - Rome, 42

“Naku, parang hindi po. Lalo na kung ang babaeng mahal mo ang naging sandalan mo sa araw-araw. Syempre sanay ka nang nariyan siya. Hindi naman pwedeng basta na lamang siyang mawawala.” - Ervin, 28

“Depende po siguro yun sa karanasan ng isang tao. May mga tao po kasing dumaranas ng trauma sa pakiki­paghiwalay at nagpapasya na ‘wag nang umibig muli. Meron din naman pong nabiyuda o nabiyudo na mas pipiliin na lang na ‘wag magmahal muli at ibaling sa iba ang kanilang atensyon.” - Lhar, 23

“Sa ngayon, ang maisasagot ko ay hindi. Syempre very much in love ako sa aking misis. Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya. Pero hindi natin masasabi ang mangyayari at ayoko rin isipin.” - Dante, 35

“Kakayanin naman po siguro lalo na kung may magandang kapalit. Hahaha. Depende po yan sa consequence. Para makaya mong mabuhay nang walang babae, dapat malaki ang kapalit niyan.” - Ray, 48

Show comments