Pangitain sa katawan ng babae

Good luck kung ang baba ay mabilog, makinis, malambot at tama lang sa laki ng kanyang mukha ang size ng baba.

Kung mataba at korteng apa ang baba, karaniwang mainitin ang kanyang ulo at laging napapaaway.

Ang babaeng may mahabang baba ay malapit sa tukso at materyosa.

Good luck ang may mapulang dila.

Kung nangingitim ang dila, siya ay selosa, mataray at inggitera.

Sakitin naman kung puti ang kulay ng dila.

Kung magaspang ang dila lalo na sa dulo, siya ay madaldal at mahilig manira.

Malas ang may mahabang dila.

Ang leeg na malaman at malambot ay mababalu­hin (widowhood).

Childish ang may maikling leeg.

Yayaman ang babae kung may tatlong guhit ang kanyang leeg.

Tuso at palaaway ang babaeng may malagong  boses.

Susuwertehin ang may maganda at malambing na boses.

Masuwerte kung mapula ang ngala-ngala.

 

Show comments