^

Para Malibang

Tsokolateng Gawa sa Purong Cacao

BURP - Koko - Pang-masa

Pansin mo bang luma­lala ang mga pimple mo kapag ikaw ay lumalantak ng tsokolate? Kung oo ang sagot mo, ito’y dahil may relasyon ang pagkain ng tsokolate sa paglala ng acne.

Sa isang pag-aaral na ginawa sa mga kalalakihang may edad 18-35 na may mild acne kung saan pinakain sila ng tsokolate, lumala ang kanilang acne matapos ang isang linggo.

Huwag masyadong mag-alala dahil ayon kay Dr. William Danby, makaaapekto lang ang pagkain ng tsokolate kung may acne ka na. Kung wala naman ay hindi ito magiging problema. Isa pang magandang balita, sa isang pagsusuri na ginawa ay walang epekto ang pagkain ng dairy-free chocolate o ‘yung gawa sa purong cacao lang. Kaya nga lang, may kapaitan ito at hindi kalasa ng tsokolateng ating nakasanayan.

Mas mabuti rin ang dark chocolate sa mga nagkakaedad na dahil mataas ito sa antioxidants at naka­pagpapaganda ng lagay ng ating puso.

ACNE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with