Ikaw at ang Zodiac Sign (9)

Sagittarius:

Hindi siya basta-basta naaapektuhan ng mga problema at kabiguan.

Mabilis siyang maka­ba­ngon mula sa kabiguan.

Katwiran niya: Paano ako makakabawi kung mananatili ako sa pagkakadapa? Mapagbigay at mahilig magkawanggawa.

Malakas ang sense of humor pero prangka. Minsan ay pinagkakalooban ng malakas na kutob o ESP.

Karamihan ay happy ang kanilang married life.

Ang Sagittarian wife ay hindi pakialamera sa affair ng kanyang asawa. Siya ay clever, calm and considerate.

Mas mainam na paka­salan ng Sagittarian ang kapwa Sagittarian, Gemini, Aries, Libra, Aquarius o Leo. Lucky days ay Miyerkules, Huwebes, Biyernes, at Linggo. Lucky numbers ay 6, 3, 5, 8.

Iwasan ang 2, 7, 9. Lucky colors ay white, cream, green, orange, light blue, emerald green. Iwasan ang red at black.

Show comments