Pagkaadik sa Online Games


Pinatunayan na ng World Health Organization (WHO) ang pagkaadik sa computer games ay isa na ngayong disorder na kasama na sa International Classification of Disease.

Alamin ang warning signs sa pagkakaroon ng gaming disorder:

1. Napapansin ng pagi­ging iritable at bugnutin kapag hindi nakakapag­laro.

2. Sobrang pag-iisip sa online activity at nagpaplano na agad ng susunod na pag-atake sa kanyang lalaruin.

3. Nagsisinungaling sa kaibigan at magulang  tungkol sa tagal ng pag­lalaro.

4. Laging may excuse na ayaw nang makipag-usap sa ibang tao para magkaroon ng mas maraming oras sa paglalaro.

5. Naiinis o iritable kapag pinupuna ng ibang tao tungkol sa paglalaro.

 6. Pagkagising pa lang ay iniisip na agad ang online game.

7. Hindi na nagpapaawat sa paglalaro kahit sina­saway na ng magulang o dyowa.

Show comments