Mister nalason ang isip ng kabit

Dear Vanezza,

Hindi na mapigilan ang mister ko na iwanan kami dahil sa kanyang babae. Kahit anong pilit kong gawin ay nalason na ang kanyang isipan ng kabit nito. Ang problema ay kung paano ko sasabihin sa anak kong babae, bilang ako ang nanay. Saan ba ako magsisimula? – Margz

Dear Margz,

Sabihin mo na ito nang diretso dahil mas masakit kung sa ibang tao pa niya ito malalaman. Kausapin mo na ang anak kahit masakit, ang importante ay hindi mo iiwanan at patuloy na gagabayan ang iyong anak.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments