Nanay type ang bagets na dyowa

Dear Vanezza,

Tatlong taon nang biyuda si nanay. Ewan ko ba kung bakit lagi siyang malas sa pagpili ng mga lalaki. Attracted siya sa mga walang kuwentang mga lalaki na manginginom, sugarol, basagulero. Nagbagong buhay naman ang nanay ko, ngayon ay type niya ang mga lalaking mas bata ang edad sa kanya na talagang bagets. Halos kasing edad ko na 20 years old samantang 45 years old na siya. Okey lang sana na, pero ang problema ay sa kanya pa rin umaasa ng pera. Kailan ba titino ang nanay ko? Ano ba ang gagawin ko? – Jelly

Dear Jelly,

Kausapin mo ang nanay mo nang masinsinan. Paalalahanan na hindi lalaki ang laging sagot o solus-yon sa kanyang pag-iisa. Lalo’t puro problema lang ang napapala niya. Hamunin si nanay na maghintay at maghanap ng lalaking matino na rerespeto, magmamahal, at makakasama niya nang maayos sa buhay.

Show comments