Anak ayaw sa foreigner na nanay

Dear Vanezza,

Nasa London nakabase ang papa ko na ilang taon na rin silang hiwalay ni mama. Gusto ni papa ay dun ako mag-aral ng kursong nursing next year. Ang problema ay mayroon na siyang sariling pamilya sa ibang bansa. Okey lang sana kung Pinoy rin ang kanyang kinakasama, pero mga foreigners pati anak niya. Worry ko lang kung paano ang magiging buhay ko roon. Sana payagan ako ni erpat na hindi ako sa kanila tumira para hindi ako mailang sa foreigner kong bagong “mama”. Tama ba ako? – LA

Dear LA,

Kung may sapat na budget si papa mo na ikuha ka ng boarding house habang nag-aaral ay bakit hindi. Sabihin mo sa papa mo  ang iyong nararamdaman na tiyak na kanyang maiintindihan kung ayaw mong makasama ang bago niyang pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments