Private apartment sa Eiffel Tower

Taong 1889 nang matapos ang tanyag na Eiffel Tower. Mula noon ay hindi na napigilan ang kasikatan ng nasabing landmark.

Siyempre pa, hindi ki­nalimutan ng designer nito na si Guztav Eiffel ang kanyang sarili at sa halip ay naglagay siya ng maliit na apartment sa naturang to­wer sa bandang itaas nito.

Maraming Parisian na miyembro ng high society ang gustong masubukan na tumira roon.

Sa katunayan, inalok pa ang designer ng limpak-limpak na salapi para lamang marentahan ang kanyang maliit na apartment ngunit tumanggi ito.

Mas gusto niya kasi itong masolo at ma­ga­mit bilang reflection at mag-entertain ng pres­­tigious guest tulad ni Thomas Edison.

Ngayon ay pwede nang bisitahin ang naturang apartment ngunit hindi pwedeng tirahan.

Show comments