Naanakan ang katropang tomboy

Dear Vanezza,

Naanakan ko ang tropa kong tomboy nang minsan kaming mag-inuman last year. Willing naman akong pakasalan siya at tanggapin ang pagkatao niya. Pero mapilit siyang hindi kami talo at hindi ako ang type niya. Gusto ko rin kunin ang anak namin ngayong pupunta na ako ng Japan para magtrabaho. Mas mabibigyan ko siya ng magandang buhay, kaysa sa nanay niyang puro tambay at pakikipagbarkada ang ginagawa. Pero ayaw ng pamilya niya na siyang nag-aalaga sa anak namin. Ano po ang puwede kong gawin? - Marco

Dear Marco,

Minor pa ang anak mo at ang nanay niya ang higit na may karapatan sa anak ninyo. Pero puwede mong ilaban ang iyong kaso sa DSWD kung mapapatunayang napapabayaan ang anak mo. Maaari ka rin maayos na makipag-usap sa nanay at pamilya niya na ingatan ang anak mo habang wala ka. Magbigay ng sustento sa anak mo. Lagi siyang kausapin sa video call para alam niyang may tatay siya sa ibang bansa.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments