Paano gagamitin ang Chinese coins?

Tanong: Para saan po ang mga Chinese coins na may butas sa gitna? Marami akong nakikitang tinda nito sa Ongpin at Chinese store sa Avenida pero kapag tinanong ko kung para saan yun ay pampasuwerte ang isinasagot sa akin. Masyadong “generalized”. Di ba’t pampasuwerte naman talaga ang lahat ng kanilang itinitinda.

Ano po ang specific na gamit ng Chinese coins at paano ito gagamitin bilang pampasuwerte?---OSF

Sagot:  Ang metal coins ay ginagamit na sa China para ipambili ng mga kalakal simula pa noong 7th century BC.

Ang sinaunang bilog na Chinese coins at may butas na square ay pinaniniwalaang nagbibigay ng suwerte. Ginagamit din ito ng matatandang Tsino bilang “protection charm”.

Paano gagamitin ang Chinese coin as lucky charm: Ang 8 coins na pinagkabit-kabit sa pamamagitan ng red ribbon ay isinasabit sa itaas ng cash register o cash box.

Ang  5 coins ay isinasabit naman sa labas ng entrance door, either vertical o horizontal. Ang magkakakabit na 3 coins ay inilalagay sa red angpao at ibinabaon sa ilalim ng isang malusog na halaman. Sinisimbolo ng nabanggit na ritwal ang pagpapalago ng pera o kabuhayan. Habang lumalago ang halaman ay magkasabay na lumalago rin ang iyong kabuhayan.

Show comments