Tuyo pasta

Hindi lamang simpleng agahan ang tuyo. Alam n’yo bang pwede rin itong gawing sosyal na dish?

Isa na rito ang tuyo pasta na hindi lasang cheap at puwedeng gawing pangunahing handa sa mga party.

Ingredients:

Kalahating kilong spaghetti noodles

Hinimay na tuyo

6 tablespoons grated Parmesan cheese

1/2 teaspoon na durog na paminta

1/4 teaspoon garlic powder

1/2 teaspoon dried basil

3 tablespoons extra virgin olive oil

bawang at sibuyas

Iluto lamang ang ­spaghetti noodles base sa package instructions at isantabi.

Igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil, at ila­gay ang tuyo. Kapag tama na ang paggigisa ay ilagay na ang nalutong spaghetti noodles, ilagay ang garlic powder dried basil, at paminta.

Nasa paghahalo ang sikreto ng recipe na ito. Maglagay ng parmesan cheese depende sa rami ng gusto.

Enjoy!

Show comments