Pagbabago sa vagina

Sa ayaw at gusto natin, magkakaroon ng pagbabago sa ating katawan at puwedeng mapabilis ang proseso nito depende sa iyong diet at lifestyle.

Kabilang sa magkakaroon ng pagbabago ang vagina lalo na kapag nagkakaedad na kaya kailangan itong pa­ngalagaan. 

Talakayin naman natin ngayon ang paggamit ng alternatives sa sanitary napkin. 

Karamihan nga­yon sa mga babae ay sanay nang gumamit ng napkins. Ang iba ay gu­ma­ga­mit ng tampons. 

Base sa pag-aaral na ginawa sa Harvard University sa U.S., matagal nang bio­degrade ang mga feminine hygiene products na itinatapon dahil mayroon itong plastic. Hindi ito ma­ganda para sa environment.

Iminumungka­hi ang paggamit ng mga biodegradab­le products at mga reusable menstrual cups. 

Inirerekomenda ang paggamit ng mga pasador, menstrual/period panties, at menstrual cups upang makatulong sa kalikasan at para na rin makaiwas sa irritation. (Itutuloy)

Show comments