Treatment ng pediatric stroke

Ang stroke ay puwedeng mangyari hindi lamang sa mga matatanda.

Kundi kahit kanino anomang oras sa teenager, bata, sanggol, at kahit hindi pa ipinapanganak.

Mas madaling maka-recover ang mga bata mula sa stro­ke kaysa sa mga adults dahil ang kanilang brains ay patuloy na naggo-grow. 

Pero meron din permanenteng komplikasyon mula sa stroke gaya ng seizures, weakness, at vision problems.

Ang treatment ay depende sa specific na dahilan ng stroke.

May mga treatment sa adult na hindi tugma sa mga bata at sanggol. Pero mayroong tips mula sa pediatric treatment stroke.

1. Gawing i-maintain ang body temperature.

2. Tamang hydration

3. Bantayan maging normal ang sugar levels.

4. Kontrolin ang high blood pressure.

5. Ma-monitor ang EEG at anticonvulsant medication kapag na-detect ang seizures.

6. I-manage ang intracranial pressure.

7. Depende sa payo ng doktor kung kailangan ng blood transfusion kung may sickle-cell disease.

Show comments