Pangalawang Anino (440)

MAY nakitang malaking bato si Alona. Binuhat niya ito, napakabigat pero dahil halimaw siya nakaya niya.

Dinala niya sa may kulungan ni Alona.

Tuwang-tuwa si Yawanaya nang makitang kayang-kaya ng inang halimaw ang binubuhat.

“Ayan, Inay! Galing! Ang lakas mo! Tiyak na pag ipinukpok ninyo ‘yan dito sa kulungan ko, magigiba ang pinto!”

Ibinaba muna ni Alona ang bato. “Pahinga muna ako. Ang bigat! Solid na solid ito. Baka nga kaya nitong gibain ang pinto ng kulungan mo.”

Umatras uli si Yawanaya para mabigyan ng space ang paggiba ni Alona ng kanyang pinto.

Nabuhat na ni Alona ang malaking tipak ng bato, itinaas. Handa nang ibagsak sa pinto ng kulungan ni Yawanaya.

Ibinagsak.

Tinamaan ang kahoy na nagla-lock ng pinto.

Walang nangyari. Walang nagiba. Ang matigas na bato ay intact pa rin at ang pinto ng kulungan ni Alona ay ni hindi nagasgasan.

Napatanga ang mag-inang halimaw.

“Hindi ako makapaniwala kung gaano pala katibay ang pintong ‘yan. Sobrang lakas na ang inubos ko para matamaan ng bato ang pinto, a!”

“Hindi ako makakalabas dito?”

Naawa si Alona sa anino ng kanyang anak. “Huwag kang umiyak. They can sense your fear. Baka hindi ka makakalabas diyan hanggang sa magunaw ang mundo.”

Nagmamadali namang pinahid ni Yawanaya ang mga luha sa maitim na mukha.

“Hindi ko kasi maiwasang isipin na baka nga ganoon na lang, ikaw lang ang makakapaglakad-lakad sa bundok na banal. Kasi may puso ka pa pala, e. Pero ako, wala na akong pag-asa.”

“Huwag mong sabihin ‘yan. Huwag kang mawalan ng pag-asa. May naisip ako, kakanta tayo ng mga kanta sa simbahan!”

“May mga alam ka ba?”

Meron.  Ang Our Father at Hail Mary, nakakanta ang mga ‘yan, e. Saka ‘yung theme song ng pelikulang Tanging Yaman. Puwede rin sa relihiyon ‘yon.

Nagsimula nang kumanta ang halimaw na si Alona.

Buong puso rin, naiiyak pa. Hindi nagiba ang pinto ng kulungan ni Yawanaya. Pero si Alona, walang tigil pa rin sa pagdadasal at napansin na lang ni Yawanaya na nagbabalik na bilang tao ang itsura ng kanyang ina.

Itutuloy

Show comments