True and Falls pa More

Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang init ng araw. Nagpapainit din ng pakiramdam kaya lahat ay gustong magtampisaw sa tubig, dagat, ilog, at falls. Marami pang falls na puwede dayuhin sa bandang lugar sa Cavite.

Malapit-lapit ang Balite Falls sa Manila. Kung pupunta sa Tagaytay, puwedeng dumaan sa Balite Falls sa may Amadeo, Cavite. Ang Balite Falls ay 15-minutes away lang sa Tagaytay.

Ang Balite Falls ay may dalawang bahagi. Ang una ay ang dumadaloy na tubig sa isang mababaw na pool na umaagos sa mas malaking pool kung saan puwedeng mag-dive. Malinaw at malamig ang tubig. Very nature ang dating ng falls dahil maraming puno at halaman. Maraming mga kubo at lamesa sa gilid-gilid ng falls na puwedeng puwestuhan.

Mayroon ding falls sa Maragondon, Cavite. Kapag nagsasalubong ang mga bundok at ilog, may waterfalls kaya  may apat na falls sa Maragondon.

May  Kaybiang Falls sa Brgy. Santa Mercedes; Pico de loro Falls sa loob ng Mt. Palay-Palay National Park; Balayungan Falls sa Pantihan 1 at Ragatan Falls sa Brgy. Mabato na tinatawag ding Mabato Falls, Mabacao Falls (Bulbok) sa Brgy. Tulay-B. 

Ang Balayungan Falls ay nasa Brgy. Pantihan I, Maragondon, Cavite. Malalim ang falls na swak na swak sa mga mahilig sa cliff diving.

Nasa gitna ng gubat  ang Balayugan Falls na tinatawag din ng mga locals na “Pantihan Falls” dahil nasa  Brgy. Pantihan ito. Ang Falls ay may rock formation na mahahalintulad sa Pico de Loro at Mt. Marami na napakagandang tanawin.

Ang iba pang falls sa Cavite ay ang Malibic-libic Falls ay nasa Bailen, ang  Saluysoy Falls ay nasa Alfonso, Palsajingin Falls sa Indang, at Mayang Falls sa Trece Martirez.

Show comments