Muling Pagbubukas ng Puso

Dear Vanezza,

Nakatakda na sana kaming ikasal noon ng bf ko matapos ang 2 taong relasyon namin, pero namatay siya sa sakit. Ang sumpaan namin ay walang mag-aasawa sa iba kung sino man sa amin ang maiwan. Tatlong taon na ngayon ang nakalilipas. May nanliligaw sa aking ngayon, pero nag-aalangan akong sagutin siya dahil sa aming sumpaan ng yumao kong nobyo. Pero aaminin kong umiibig ako sa kanya. Ano ang dapat kong gawin? - Mai

Dear Mai,

Walang dapat ipag-alala dahil karapatan mo rin lumigaya. Tatlong taon na ang nakalipas at siguro’y sapat na panahon na ‘yun para muli mong buksan ang iyong puso. Puwede kang mag-asawa at wala kang lalabaging batas sa Diyos man o sa tao.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments