Humihirit pa si mister ng baby boy

Dear Vanezza,

 

Tatlong babae ang anak namin, pero humihirit pa ang mister ko ng isa pang anak. Baka raw sakaling makatsamba na kami ng lalaki. Pero 46 years old na ako, quota na ako sa pagbubuntis. Hindi sa ayaw kong ipagkalat ang pangalan ng angkan niya. Paano ko ba makukumbinsi ang mister ko na ayaw ko nang magbuntis? – Fril

Dear Fril,

Lahat ay puwedeng idaan sa maayos na pag-uusap. Ipaliwanag kay mister ang iyong sitwasyon at alala­hanin. Hindi lang sa financial na kalagayan, kundi sa iyong kalusugan na mahirap nang magbuntis sa iyong edad. Pati na rin sa pagpapalaki dahil sa ganyang edad ay marami ka nang masamang nararamdaman sa katawan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments