Paglublob sa malamig na tubig ang sekreto ng dalaga sa sexy at batang hitsura

Grabe na ‘to!

Isang babae sa Ukraine ang may kakaibang sikreto para mapanatili ang batam-bata niyang hitsura.

Linggu-linggo ay nagdya-jogging sa snow si Inna Vladimirskaya nang nakahubad. Hindi lang iyan, dahil lumulublob din siya sa malamig na tubig pagkatapos mag-jogging. Kakaiba ang kanyang ginagawa kumpara sa sikreto ng iba na tamang diet at exercise ang style para mapa­natili ang pagiging bata ang hitsura.

Siyam na taon na niya itong ginagawa kaya ito ang paniwala ­niyang dahilan kung bakit sexy pa rin siya at batam-bata ang katawan at hitsura. Paniwala ni Inna, “Immersion in cold water makes the blood rush to the internal organs, activating their circulation, which helps break down fat and improve muscle tone.”

Ang pagtaas din ng oxygen supply ay nakatutulong para ma-rejuvinate ang balat. Naniniwala siya na kaya ring gawin ng mga tao ang benefits ng rejuvination tulad ng sa mga walrus sa pagbabad sa malamig na tubig.

Show comments