Magdyowang magkaiba ang direksiyon

Dear Vanezza,

Gusto na ng BF ko na magpakasal na kami dahil two years na kaming mag-on at may stable na trabaho sa edad kong 25 years old. Pero pangarap ko pang mag-abroad at mag-settle sa ibang bansa. Pero kuntento na ang BF ko rito sa ‘Pinas at ayaw man lang subukan na mag-apply ng trabaho sa labas ng bansa. Magkaiba kami ng direksiyon sa buhay, naisip ko lang kung tala­gang kami ba talaga ang para sa isa’t isa. Dapat ba akong sumunod sa kanya kaysa sa plano ko? – Ging

Dear Ging,

Kung saan ka magiging masaya ito ang gawin mo. Baka nga hindi kayo ang magkapalaran dahil ibang buhay ang gusto niya, kumpara sa plano mong gustong mag-abroad. Dahil darating din ang panahon na manghihinayang na hindi mo tinupad ang iyong pangarap na pumunta sa ibang bansa.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments