Depression ng Anak na Kinatatakutan ng Magulang

Ang pagiging malungkot ay bahagi ng buhay at normal na parte ng emosyon ng isang bata. Hindi ito dapat mapagkamalan ng depression.

Normal din sa mga teenager at adult na makaramdam ng lungkot dahil bahagi ito ng emotion ng tao.

Magkaiba ang lungkot sa depression. Ang sadness ay normal na human emotion na maaaring dahil sa nawalan o  nasaktan ang isang indibidwal.

Ang depression sa isang banda, ito ay estado o mental illness na nakaapekto sa ating pag-iisip, emotion, pagkakaintindi, at behavior.

Kapag ang anak ay masyadong tahimik at malungkot kaysa sa natural nitong inaasal, obserbahan ang kanyang kinikilos.

Tingnan ang mga senyales ng depression na ipinamamalas ng anak. Gaya ng pagiging iritable, nagbabago ang pattern ng kanyang pagtulog o pagkain. Sobra ang tulog o napupuyat na inaabot ng lampas hating gabi.

Ang depression ay pabagu-bago ang moods gaya ng lungkot at nawawalan ng energy sa mga nakasanayan niyang activities.

Ang kanyang mood disorder ay inaabot ng halos dalawang linggo.

Panahon na para masinsinan na kausapin ang anak. Tanungin kung ano ang kanyang nararamdaman at pinagdadaanan.

Ang depression ay hindi kahinaan ng isang character. Ito ay medikal na kondisyon na kailangan ng tulong mula sa professional na treatment upang matugunan ang problema ng anak.

Sa dami ng pressure at stress ng anak ay natatakot ang magulang na makadagdag ito sa bigat na nararamdaman ng bata.

Ang tendency ay i-spoiled ang anak kahit hindi na tama. Sa takot na ma-depress ang anak.

Pero kailangan hayaan ng magulang na maramdaman ng anak ang malungkot, madismaya, matalo, at mabigo. Upang matutunan din ng anak kung paano malampasan at malabanan ang kanyang depression.

Show comments