Para ‘Ikaw lang ang Mamahalin’ ni Mister

Una, ayusin muna ang attitude ni Misis sa pamamagitan ng pagiging maasikasong esposa at ina. Pagkatapos  pagyamanin ang  qualities, saka iaplay ang Fengshui.

1—Ayon sa mga Chinese Fengshui experts, masama ang epekto kung magtatalik ang mag-asawa sa mga sumusunod na pagkakataon : a) pagkatapos umatend ng funeral (iwasang mag-sex within 3 days); b) kapag nalasing o pagkatapos ng drinking session; c) kapag may “period” ang babae. Ang bad effect: Nagiging madalas at matindi ang pag-aaway ng mag-asawa.

2—Huwag matulog sa bedroom na walang bintana.

3—Huwag ihaharap ang mirror sa inyong kama.

4—Huwag pipinturahan ang bedroom ng kulay pink. Magbibigay ito ng sobrang romantic energy na magtutulak ito upang mangaliwa ang bawat isa. Okey lang ang pink bedroom sa bagong kasal hanggang first 2 years.

5—Iwasan din ang dark gray, dark green and navy blue. Nakaka-depressed at nakakainit ng ulo ang mga naturang kulay.

6—Itapon ang mga photos, gifts at iba pang gamit ng mga dating nakarelasyon. Magbibigay lang ito ng negative energy sa bedroom ng mag-asawa.

Show comments