Sirang Christmas Lights

Ngayong papalapit na ang Pasko at katatapos ng Undas ay marami na ang aligiga sa pag-decorate ng kanilang mga bahay. Bukod sa parol ay Christmas tree at Christmas lights ang hindi mawawala sa taha­nan ng karaniwang pamilyang Pinoy.

Isa sa nagiging problema ay ang sirang Christmas lights dahil sa ma­ling pagtatago at pag-aayos nito. Kadalasang nasisira agad ang Christmas lights kapag nahihila ang wire at may naglu-loose na bumbilya.

Kung hindi na gumagana o nag­loloko ang Christmas lights, kailangan lang i-test ang fuse nito sa may bandang saksakan at itsek isa-isa ang mga bumbilya kung may nasunog at pundido na. Madali lang makita ang sunog na fuse at mabibili ito sa mga hardware o tindahan na nagbebenta ng Christmas lights.

Maaari naman bumili ng light bulb tester sa murang halaga rin.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

Show comments