Nagrerebelde ang Nagdadalagang Anak

Dear Vanezza,

Biglang nagrerebelde ang anak kong babae, tumuntong lang ng 13 years old. Sabi ng teacher niya, maging mabait lang daw ako at pagpasensiyahan ito. Pero hindi na siya nakikinig sa akin. Ayaw na payakap, ‘di  nakikinig, at gusto laging mapag-isa o kasama ang kanyang mga classmates. Pero ako bilang nanay niya ay ayaw niyang kausapin. Sabi ng adviser niya ay baka dahil sa hormonal imbalance lang daw kaya unawain ko raw ang anak ko. Tama ba yun? - Mommy Celly

Dear Celly,

Bahagi ng mga kabataan ang ganitong proseso dahil sa pagbabago ng kanilang katawan. Pero hindi ibig sabihin na nag-mature rin sila mentally at emotionally. Suportahan lang ang anak mo at kausapin na baka mayroon pa siyang ibang pinagdadaanan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments