Pangalawang Anino (232)

MAY mag-amang papunta sa school.

“Itay, ihatid n’yo na po ako. Baka po mali-late na ako.”

“Sige, anak. Angkas ka na. Kapit kang mabuti, ha? Baka mahulog ka di ko mapapatawad ang sarili ko.”

“Itay naman, sanay na naman po akong umangkas. Bakit po ako mahuhulog? Saka napakaingat po naman ninyong magmotor, e. Kasi po lagi kayong binibilinan ni Nanay.”

“Oo nga naman. Lagot kasi ako sa nanay mo kapag nagsumbong kang kaskasero ako, e.”

Tawanan ang sweet na mag-ama.

“Itay, takot pala kayo Nanay. Eh, hindi naman po naninigaw ‘yon. Ang bait po ni Nanay sa atin.”

“Joke ko lang naman ‘yon, anak. Totoo, sobrang bait ang nanay mo na misis ko. Pero kapag daldalan  tayo nang daldalan at na-late ka, pipingutin ako noon sa teynga.”

“Let’s go na po, Tatay kong guwapo!”

“Taralets na, baby kong maganda!”

KUMAKANTA pa ang mag-ama habang tinatakbo ang daan patungo sa school.

Wala silang kamalay-malay na may aninong tumatakbo, nakasunod sa kanila.

Hanggang sa naabutan na nito ang motor at bigla na lang tinanggal ang bata sa inuupuan nito sa motorsiklo ng ama.

Nakuha na pala ni Yawanaya ang batang iaalay sa paggaling ni Yawan, hindi napansin ng ama.

“Malapit na tayo sa school, anak.”

Walang sumagot, noon lang namalayan ng ama na wala na pala siyang sakay sa kanyang likuran.

“Anak? Anak!”

Tumatakbo pabalik ang pangalawang anino, tangay niya ang bata na nagsisisigaw pero walang nakakarinig.

“Bata number 2. Isang bata na lang at kumpleto na sa gagawing ritwal. Gagaling na si Yawan. Balik uli kami sa pamamayagpag! Hindi kami matatalo ni Nanette! Never! Itutuloy

Show comments