Bagong Uri ng Tsokolate, Medyo Maasim

Grabe na ‘to!

Kung dati ay may tatlong klase lamang ng tsokolate ang available – dark, milk, and white, ngayon ay may isa nang karagdagang kulay sa mga nabanggit, ito ang ruby pink chocolate.

Ang world’s lar­gest cocoa processor na Barry Callebaut at based sa Zurich, Switzerland ay 13 taon nang sumusubok na makapag-produce naturally ng pink chocolate mula sa ruby cocoa beans.

Isa itong uri ng cocoa na nabubuhay sa Ecuador, Brazil, at Ivory Coast. Ang nasabing Swiss company ang pinakaunang nakapag-convert ng pink chocolate mula sa isang sophisticated process. Unang inilabas sa Shanghai ngayong taon, ang ruby chocolate ay sinasabing matamis na med­yo may asim, na lasang natural berry na bagay sa kulay nito.

Nasubukan na sa mer­kado ang ruby pink chocolate at maganda umano ang mga naging feedback nito. Pero kailangan pang maghintay ng 6-18 buwan bago tuluyang makitang ibinebenta ang bagong klase ng tsokolate.

Show comments