Tama sa Paningin ng Bata

Mag-ingat kung paano  magsalita sa harap ng anak. Kung paano i-handle ang conflict at problema. Kung ikaw mismo ay agresibo sa harap ng mga bata, ganito rin ang susundin nilang halimbawa.

Sa halip ay laging tingnan ang ibang tao na po­sitibo, kaysa maging negatibo o laging nakapintas at pinagtsitsismisan ang kapwa. Kapag dumarating ang kumplikadong problema sa buhay, maging bukas sa pagkadismaya o frustration at kung paano malabanan ang iyong nararamdaman.

Kung naghahanap ng mga nakakaimpluwensiya sa behavior ng anak, tingnan muna kung ano ang nangyayari sa loob ng bahay. Ang mga anak na nasanay na naririnig ang sigawan, murahan, name calling, nanlalait, kritisismo, nagdadabog, nanakit physically, nang-aaway ng kapatid o yaya o magulang; natural ito rin ang ­example na gagawin nila paglabas ng bahay o pagdating sa eskuwelahan.

Tandaan ang ginagawang masama o mali ng nakatatanda ay nagiging tama sa paningin ng bata.

Show comments