Windchime Para sa Fame Luck

Hindi lang artista ang naghahangad sumikat. Puwede kang sumikat sa iyong mga superiors sa trabaho o sumikat sa iyong propesyon—sikat na doctor, sikat na hair stylist, sikat na pulitiko, sikat na painter, sikat na writer, etc. Sa pamamagitan ng Feng Shui, puwede itong matupad.

Paano tayo aakit ng popularidad sa ating buhay? Ang sagot ay nakasalalay sa pagsasabit ng windchime sa inyong bahay. Ang windchime na gagamitin ay maaaring may 6 o 8 rods na yari sa kawayan. Isasabit ito sa South.  Ang rods na gagamitin ay dapat na “hollow” o may butas sa magkabilang dulo upang makapasok ang good energy mula sa ilalim patungo sa itaas. Ang pag-ugoy ng hangin sa mga nakasabit na rods ay nagiging sanhi ng pagtunog ng mga ito. Ang tunog na iyon ang umaakit para pumasok sa bahay ang good energy o “fame luck”.

Show comments