Pagkaing May Magandang Benepisyo sa Katawan

Based on the investigations, the four suspects have participated in the hijack of cargo vessel M/V Royal 16 last Nov. 11, 2016 and seized six Vietnamese crew. Philstar.com/File photo

Burp Fact

Maraming pagkain na ang benepisyo ay para magmukha tayong kaaya-aya, sa kutis man o sa kahit sa loob ng ating katawan, mga lamang-loob ganyan! Hahaha.

Pero sa totoo lang, kung alam natin ang kinakain natin ay maiiwasan ang mabilis na pagtanda lalo na sa histura.

Tulad na lang ng bell peppers, mataas ang taglay nitong vitamin A para sa malusog, at glowing skin.

 Ang green tea naman ay mayaman sa antioxidants na nakatutulong makaiwas sa wrinkles at mabilis na pagkulubot ng balat.

Panlinis naman ng bituka ang pagkain ng prunes dahil sa taglay na mga bitamina nito.

Kung gusto n’yo naman na ma-rejuvenate ang balat, ibabad lang ang kamay at paa sa magsindaming lemon juice at tubig.

At para naman sa mabilis na metabolism ay gumamit ng cinnamon sa mga lutuin. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments