Mister Humihirit ng Baby Girl Kay Misis

Dear Vanezza,


Twenty eight years old na ako at may dalawa kaming anak na lalaki ng mister ko. Gusto pang humirit ng asawa ko ng anak na babae. Sino bang hindi gustong magkaroon ng baby girl, pero ang tanong ko sa kanya, paano kung lalaki uli ang magiging anak namin. Hihirit pa raw siya uli hanggang magkaanak ng babae. Hindi naman siya ang nanganganak kaya akala niya ay madali lang. Bukod sa sobrang kulit ng dalawang boys namin, kulang din ang suweldo ng pamilya kahit isama pa ang income ko. Paano ko ba makukumbinse ang mister ko na makuntento sa dalawang anak namin na lalaki at ako na lang ang gawin niyang prinsesa ng buhay niya.  Tutal mahirap na rin ang mag-anak sa edad ko ‘di ba? Pero kasi natatakot ako na kapag tumanggi ako sa mister ko, baka sa ibang babae siya maghanap ng baby girl. – Mrs. Gemine

Dear Mrs. Gemine,

Bakit hindi mo sabihin sa mister mo ang mahirap na proseso ng pagbubuntis hanggang sa panganganak at pag-aalaga ng baby. Tiyak na maiintindihan ka niya, bukod sa mahirap ang buhay  na hindi na praktikal kung hindi kaya ng budget ng inyong pamilya. Importanteng magpokus na lang sa inyong dalawang anak na lalaki. Puwede ring manghiram ng pamangkin na babae para maaliw si mister . Pero kausapin mo rin si mister na huwag gagawa ng baby girl sa ibang babae dahil hindi ito sagot sa kanyang paghahanap ng prinsesa sa inyong pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments