Alam n’yo ba ang paghihilik ay namamana? Ito ang dahilan kung bakit 70% ng tao ay naghihilik, pero hindi naman ito nangyayari araw-araw.
Mas naghihilik ang indibidwal kapag nakaharap ang mukha kumpara sa natutulog ng nakatagilid.
Sa research, napag-alaman na may tatlong factor kung bakit naghihilik ang tao. Kadalasan ang mga naghihilik ay overweight, naninigarilyo, at umiinom ng alcohol. Maaari rin kaya nag-is-snore ang asawa, anak, o kasama sa bahay ay dahil sa allergies o may problema sa daluyan ng paghinga sa may nasal part.
Kapag taglamig o tagsibol ito ang seasonal allergies kaysa tuwing summer kung kailan mas naghihilik ang mga tao. Sa ganitong panahon din nagkakasakit na sinisipon at kumakati ang ilong. Tuwing springtime ay bumubuka ang bulaklak na naglalabas ng maraming pollen kaya ina-allergy ang karamihan.
Kahit ang sanggol ay humihilik din. Kapag minsanan lang maghilik ang anak maaaring dahil sa pagod mula sa kanyang activities o resulta ng nasal congestion. Pero kapag panay ang hilik ng bata, senyales ito ng hyperactivity o attention deficit disorder. Habang tumatanda ang bata ay mas lumalakas ang tunog ng paghilik nito.
Kaya mas magandang agapan ang paghilik ng anak sa pagpapakonsulta sa inyong doktor.