Do’s and Don’t sa Kusina
Do—Laging gamitin ang inyong stove. Ang stove o anumang gamit sa pagluluto ay nagre-represent ng iyong kakayahan na gamitin ang lahat ng iyong kakayahan. Mas madalas kang magluto, mas madalas kang daratnan ng magagandang oportunidad hindi lang sa hanapbuhay kundi sa kalusugan at buhay pag-ibig.
Don’t—Iwasang idispley ang kutsilyo, gunting at iba pang kauri nito. Lumilikha ng bad energy na sanhi ng conflict at anxiety. Puwede itong isuksok sa wooden knife block o itabi sa drawer.
Do—Idispley ang sariwang prutas. Kapag nakakakita ng sariwang prutas ang isang tao, ito ay nagdudulot ng positive effect : good emotional and physical health.
Don’t—Iwasan ang kalat. Ang epekto ng makalat na kusina ay pagtaba ng mga naninirahan sa bahay.
Do—Bright light at white paint. Ang maliwanag na bombilya ay nagbibigay ng ilusyon na malawak at maluwag ang espasyo. Pinturang puti ang gamitin sa kusina upang magmukhang malinis ang lugar.
Don’t—Hindi dapat nakaharap ang kusina sa pintuan ng toilet.
- Latest




















