Self-discipline Pagdating sa Pera

Kanya-kanyang de­sisyon kung paano magkaroon ng financial independence. Hindi nga naman madaling magkaroon ng sariling private jet at mansion. Pero ang pag-abot ng totoong financial independence para magkaroon ng komportableng buhay na may savings at investment na walang  utang ay posibleng mangyari.

Kinakailangan ng plano sa mga indibidwal para  magkaroon ng solid na healthy self-discipline.

Sa kahit anong edad, simulan ang lahat sa pamamagitan ng isang vision. Tingnan ang kabuuan at magplano kung paano ito gagawin.

Sa budget pa lang ay dapat magkaroon na ng tracking. Ang masusing paghahati ng suweldo para sa expenses, bills, at pagtatabi para sa goal na kotse, pag-aaral, o bakasyon ay hindi madaling task. Pero ang pagdidisiplina sa pera ay susi para magkaroon ng financial independence.

Show comments