Close Deal sa Interview

Para magkaroon ng magandang close deal sa inaasam na trabaho, kailangang maging handa sa maigsi, pero malinaw na sagot kung bakit kailangan ikaw ang i-hire ng nag-i-interview.

Kahit hindi marami ang tanong ng interviewee, dapat handang makipag-usap sa top reasons kung bakit ikaw ang kailangang piliin sa rami ng nag-a-apply. Huwag sayangin ang pagkakataon na i-”wow” sa pinakamalupit o best reasons na dahilan ng pag-hire nila sa iyo.

Sabihin ang mga impressive strengths mula sa experiences at  credentials na kaugnay sa top requirements na kailangan ng kompanyang papasukan.

Huwag kalimutang ila­tag ang pamatay mong unique persona­lity at kombinasyon ng iyong mahusay na skills.  

Maging totoo sa ka­kulangan, pero gawing hamon na magagawa ang anomang responsibilidad na  hinihingi ng trabaho.

Show comments