Diver ni-rescue ng whale

Sa unang tingin ay aakalain ninyong may ginagawang masama ang isang beluga whale sa diver na ito.

Pero hindi, sa halip ay tinulungan pa ni Mila (beluga whale) ang diver na pinulikat na kinilalang si Yang Yun, 26.

Lumahok si Yang sa isang free diving contest noong 2009 kung saan ang mga kasali ay walang gamit na breathing equipment (walang oxygen).

Bukod pa roon, 20ft din ang lalim ng kanilang nilalanguyang tangke kung saan may mga kasama rin silang whale.

Ayon kay Yang, nung siya ay paahon na ay tila nanigas ang kanyang paa at nagka-cramp dahil sa sobrang lamig ng tubig.

Sa puntong ito na raw tila nakaramdam ang whale na si Mila na kailangan ni Yang ang kanyang tulong. Kinagat niya ang paa ni Mila at itinulak paitaas.

Para sa kaalaman ng nakararami, maliliit lamang ang ngipin ng beluga whale kaya hindi nagtamo ng anumang sugat si Yang.

Ayon pa sa diver, utang niya ang kanyang buhay kay Mila.

Show comments