Nabubulagang Misis

Dear Vanezza,

Gusto nang umuwi ng asawa ko sa bahay namin. Pero ayaw siyang tanggapin ng tatay ko sa bahay namin kung saan kami nakikipisan kasama ang mga kapatid ko. Katuwiran ng tatay ko ay “tanga” ako dahil lagi ko na lang pinatatawad ang asawa ko sa pambabae niya.  Pero asawa ko pa rin ang mister ko, na hinahanap na rin ng mga anak ko. Tama ba ako, na madamot si tatay o totoo ang sinasabi niyang nabubulagan ako? – Maribeth

Dear Maribeth,

Tiyak na tama ang tatay mo dahil hindi lang pala isang beses nangyari ang pagloloko ng mister mo. Mas maganda na hayaan mo ang tatay mo ang makipag-usap sa mister mo, tutal kayo ang nakiki­pisan sa kanya. Para mag-usap sila ng lalaki sa lalaki nang matapos na ang kataksilan ng asawa mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments