Maling Trato kay Bunso

Dear Vanezza,

Walang ginawa ang kuya ko kundi mam-bully at awayin ako.  Si kuya kasi ay laging nagseselos sa akin dahil ako raw ang prinsesa ng tatay ko samantalang siya ang blacksheep. Dalawa lang kaming magkapatid ni kuya at ako ang bunso. Bakit ba hindi puwedeng maging masaya para sa akin ang kapatid ko? – Rich

Dear Rich,

Makatutulong kung sasabihin mo sa iyong magulang ang maling trato ng kapatid mo. Pilitin mo pa rin maging mabait sa kuya mo, para baka sakaling lumambot ang puso nito para sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments