Bata Sinaklolohan ng Hayop?!

Noong 1996, hinangaan sa buong mundo ang kadakilaang ipinakita ng isang babaeng gorilla sa tatlong taong gulang na batang lalaki sa tiyak na kamatayan.

Nangyari ang insidente sa isang zoo sa Chicago, USA kung saan naglalaro ang bata malapit sa kulungan ng mga gorilla.

Nakabitaw ang bata sa kanyang ina at nahulog sa kulungan ng malalaking ape na may lalim na 20 feet.

Nawalan ng malay ang bata pero maya-maya lang ay bigla siyang nilapitan ng gorilla na si Binti Jua at kinarga ng maingat. Sa naturang kulungan ay may iba pang gorilla na nais lapitan ang bata pero ginuwardyahan ito ni Binti at hinawakan ng mabuti.

Takot na takot ang lahat ng tao sa kung ano ang gagawin ng gorilla sa bata pero nagulat sila nang ibalik ni Binti Jua ang bata sa mga zookeeper.

Napag-alamang may anak na rin pala si Binti Jua at pinaniniwalaang pinairal nga niya ang kanyang pagiging ina sa isang tao ng mga oras na iyon.

Show comments