Pinakamahabang Dila
(Pang-masa) - March 15, 2017 - 12:00am

Grabe na ‘to!

Maiinggit siguro ang mga mahilig kumain ng ice cream kay Nick Stoeberl dahil sa haba ng kanyang dila ay hindi na siya mahihirapang dumila ng ice cream cone! Ang dila lang naman niya ay may habang umaabot sa 10.1 cm (3.97 in).

Ang binata mula sa California, USA ang nakakuha ng record na may pinakamahabang dila sa buong mundo at napasama sa Guinness World Records 2015 book. Sinukat ang dila niya mula sa dulo hanggang sa gitna ng closed top lip.

Isang malaking fan ang ama ni Nick ng bandang KISS at noong kanyang kabataan ay ginagaya niya ang infamous tongue pose ni Gene Simons. At doon niya na-realize na mas mahaba ang kanyang dila kumpara sa iba.

Sabi ng artist/comedian, gustung-gusto niya ang atensyon na nakukuha ng kanyang dila, “I’m not only able to lick my nose, but also my elbow!”

Ang kanya lang daw problema ay ang pagsisipil­yo nang matagal.

Naagaw ni Nick ang record kay Stephen Taylor na may haba ang dila na (9.8 cm).

NICK STOEBERL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with