Hindi Mapatawad si Lolo

Dear Vanezza,

Gusto ko sanang magpagawa ng frame ng mga pictures nina lolo at lola dahil madalas silang mag-away. Nakalulungkot na hanggang sa pagtanda nila ay hindi sila magkasundo. Iniisip ko na kapag nabuo na ang malaking frames ng kanilang pics na ilalagay sa sala ay maalaala nila ang kanilang masasayang araw.  Kaso hanggang ngayon ay hindi mapatawad ni lola ang mga pambababae ni lolo. Katuwiran ni lola na ngayon lang tumino si lolo dahil matanda na ito. – Cheche

Dear Cheche,

Magandang idea ang naiisip mo. Para sa tuwing nag-aaway ang dalawa ay makita nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Makatutulong kung ipapakuwento mo pa kay lola ang masaya nilang love story at lagi mo rin ipaalala sa kanila ang kanilang pagliligawan. Baka sakaling mabuhay muli ang pagtitinginan nila lola at lolo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments