‘Hotel’ na Walang Dingding at Kisame, Binuksan sa Switzerland

Kakaibang paandar ang sinimulan ng Null Stern hotel na kabubukas lamang at matatagpuan sa puso ng Swiss Alps.

Malayung-malayo kasi ito sa mamahaling hotels dahil wala itong pinto, dingding, at kisame. Ta­nging ang lamesa at kama lang ang makikita sa hotel na ito pati na ang makapigil hiningang view ng kabundukan ng Switzerland.

May sarili ring butler o taga-silbi ang sinumang mapipiling mag-honeymoon sa hotel.

Kahit anong oras ay pwede siyang tawagin para magluto dahil nakatira lamang siya sa isang cabin na malapit sa hotel.

Anyway, ang salitang null stern na siyang pa­ngalan ng hotel ay may ibig sabihin na zero stars.

Ganunpaman, milyun-miyon star naman ang katapat nito pagsapit ng gabi.

Located ang nasabing Null Stern sa 6,463 feet above sea level at kahit walang kisame, dingding, at kulambo, hindi naman ito maaabot ng mga insekto gaya ng lamok.

Sa halagang $210 dollars o P10,000 ay maaari n’yo nang ma-experience ang pagtulog dito.

Show comments