May Lovelife pa si Lola

Dear Vanezza,

Ewan ko ba 65 years old na si lola ngayon, pero imagine may lovelife pa.  Kaso naman ang BF niya ay isang Mexican American na mas bata sa kanya ng 10 years. Feeling namin ay habol lang ng foreigner ang pera ni lola dahil big time si lola na may bahay sa U.S. at probinsiya namin. Dahil wa naman say ang BF niya na gustong sumama sa pagbabakasyon ni lola sa ‘Pinas ngayong summer. Hindi ko maintindihan si mommy kung naiinggit sa lola ko na may asim pa, o naiinis dahil may kahati siya sa mamanahin kay grandma. - Wayne

Dear Wayne,

Hayaan mong mag-enjoy si lola sa kanyang lovelife. Kung worry ang mommy mo sa kanyang mamanahin ay magpakonsulta sa mahusay na abogado para sa mga detalyeng gusto niyang malaman. Bakit hindi rin niya deretsong kausapin ang lola mo para magkapaliwanagan silang dalawa.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments