Female Orgasms (6)

May apat na klase ng orgasm ang mga babae, ayon sa artikulong lumabas sa Neuro Quantology.

Ito ay  ang clitoral orgasm na resulta ng stimulation ng clitoris, vaginal orgasm na resulta naman ng vaginal penetration, kombinasyon ng clitoral at vaginal orgasm at multiple orgasm o ang sunud-sunod na orgasm.

Ngunit mayroon pang ibang female orgasm na siguradong hindi pa nararanasan ng marami.  Napag-usapan na natin ang tungkol sa G-Spot Orgasm na nagsisimula sa G-Spot sa pamamagitan ng stimulation, Squirting Orgasm  (Female Ejaculation) at A–Spot Orgasm (The Anterior Fornix Orgasm), Deep Spot Orgasm (Posterior Fornix Orgasm) at U-Spot Orgasm. May iba pang orgasm ang mga kababaihan. 

Breast Orgasm - Ito ang female orgasm na nangyayari sa pamamagitan ng stimulation ng breasts. Ang nipples ay nakakonekta sa nerves ng female genitals at maraming babae ang nakararamdam na may  direct connection ang kanilang clitoris sa nipples kapag sila ay nai-stimulate. 

Maraming babae ang nakararamdam na tumataas ang kanilang sexual excitement kapag nai-stimulate ang kanilang nipples ngunit hindi lahat ay makararanas ng breast orgasm. Depende ito kung gaano ka-sensitive ang nipples. 

Oral Orgasm - Ang orgasm na ito ay mararanasan  ng mga babae na very sensitive orally. Ang bibig ay may malaking role sa sexual nervous system. Ang mouth orgasm ay mangyayari sa anumang sensual oral activity tulad ng kissing, licking, sucking, o pag-o-oral sex. Kuwento ng mga nakararanas ng orgasm na ito, nagmumula ito sa lips at kumakalat sa bibig papunta sa genitals at sa buong katawan.

Show comments