Dagat-dagat na Patay na Isda Bumulaga sa Norway!

Isang malaking pa­laisipan ang nangyari sa North Norwegian beach sa Kvaenes, Nordresia taong 2012 at nagpahatid ng mensahe sa mga tao na nalalapit na umano ang end of the world. Mahigit 20 tonelada ng patay na isda kasi ang bumalot sa nasabing beach at iba’t iba ang pananaw mga eksperto rito. Pero isa ang malinaw sa nangyaring ito sa mga naniniwala noon sa Mayan prophecy na magugunaw ang mundo noong taong 2012.

Naglalakad si Jan-Petter Jorgensen sa beach kasama ang kanyang asong si Molly nang makita ang nakakikilabot na senaryo. Sabi niya: “People say that something similar happened in the 80s. Maybe the fish have been caught in a deprived oxygen environment, and then died of fresh water?” na lumabas sa dailymail.co.uk.

Sabi ng ibang eks­perto ay malamang daw na-trap sa mababaw na parte ang school of fish habang hinahabol ng predatory fish tulad ng coalfish. Isa pang teyorya ay naanod ang mga isda sa dalampasigan matapos ang isang napakalakas na bagyo.

Ayon naman kay Jens Christian Holst ng Institute of Marine Research, may mga factor na maaaring sabay-sabay na naganap. At hiling niyang makakuha ng sample ng isda para mapag-aralan kung ano ang ikinamatay ng mga isda.

Sa palagay n’yo sino o ano ang may kagagawan ng 20 toneladang patay na isda sa dalampasigan? O baka naman may kina­laman ito sa isang secret project ng gobyerno? Kayo na ang humusga.

Show comments