Insomnia at Problem sa Tulog Dahil sa Cell Phone
Sa pag-aaral ni Dr. Gudy Meadows, isang insomnia specialist ng The Sleep School, London pinaniniwalaan nito na mas magandang matulog na walang katabing electronic device tulad ng cell phone.
Lalo na kung hindi makatulog na mas mainam na turn off ang telepono. Ang iba ay ginagawa pang alarm clock ang mobile. Pero sabi ng expert mas nakakaistorbo ang CP sa dapat na sapat na kailangan ng tulog para sa magandang kalusugan. Dahil karamihan din ay hook sa pagpindot ng CP at mag-check sa Internet gamit ang mobile na nagti-trigger ng insomnia o sleeping problems.
Problema rin ang liwanag na galing sa screen ng phone dahil nakakasagabal ito sa natural rhythm ng katawan na nagbibigay ng impression ng daytime imbes na matulog na. Naaapektuhan kasi ang light-sensitive ang retina sa mata. Ito ang naglalabas ng hormone melatonin para antukin. Pero dahil sa kulay puting liwanag mula sa cell phone ay nagigising ang isang indidibwal. Ang mga mata ay sensetibo rin sa blue light na galing din sa mobile at TV screen na mas mapanganib dahil mas malapit sa ating mga mata.
- Latest





















