Para sa Matibay na Kuko

‘Wag gamiting “tool” ang kuko - Tulad ng pagbubukas ng pop cans.

Maayos na gupit - Gumamit lang ng matalas na nail cutter at gupitin ang kuko nang diretso. Gumamit ng nail file sa dulo nito para maging mas matibay.

Iwasan ang pagngatngat ng kuko - Ang nai­l-biting o pagngatngat ng kuko ay nakasisira kundi madumi pa sa kalusugan. Mag-nail cutter o gumamit ng gunting kung puputulin ito.

Ibabad ang paa - Kung matigas at mahirap gupitin ang mga kuko sa paa, ibabad ito sa maligamgam na salt water sa loob ng 5-10 minuto.

Tamang sukat ng sapatos - Gumamit ng tamang sukat ng sapatos. Ang pagpilit sa maliit at masikip na sapatos ay nakakasira ng kuko sa paa.

‘Wag pagdiskitahan ang ingrown - Kung namamaga na ang ingrown sa paa, siguruhing sumugod na sa dermatologist.

Magsuot ng tsinelas - ‘Wag nang umarte-arte pa kung maliligo sa pool at public shower. Magsuot ng tsinelas para maiwasan ang fungus sa paa.

Show comments