Sang-ayon ba Kayo na Pinigilan ni P-Noy ang Pagbibigay ng P2-K Increase sa SSS Pensioners?*
(Pang-masa) - January 16, 2016 - 9:00am

Siguro naman gus­to rin ni PNoy na magbigay ng 2K, pero kasi nga iba mag-isip ang presidente, yung pang future scope. Ina­alala lang niya yung pangmatagalang effect sa mga senior citizens. Hindi kakayanin sa mga susunod na taon dahil sa mauubos na ang pondo para sa mga pensioners kung bibigyan ng ganun kalaki. – Angel, Makati

* Pwes kung ganyan na walang malasakit si PNoy sa mga senior citizens, wala kaming iboboto sa mga manok niya sa LP sa eleksyon. Ang dami kaya naming botante sa bahay – Bebot, Masbate

P500? Hello!!!! Kakapiranggot. Mano man lang na kahit 1K. Kung anu-ano nga ginagastos ng gobyerno. Ang lalaki rin ng salary increase at bonus ng mga opisyal, senator, kongresman, mayor. Pera rin naman ng tao ang SSS. Bakit hindi ibigay sa matatanda, deserve naman ng senior citizens na makatikim ng konti. – Mel, Hong Kong

*  Palibhasa mayaman yan si PNoy at hindi pa siya senior citizen. Makakarma rin siya. Hindi niya alam kung gaano kahirap sa mga pensioners ang gastusin sa gamot at paospital. Lalo na ang mga mahihirap na matatanda na umaasa lang sa pension. Paano mauubos ang pera ng SSS eh galing din yan sa tao? Kung ibibigay yan sa senior citizens hindi masasayang ang pera. – Cecile, Tondo

ACIRC ANG BAKIT BEBOT HONG KONG INA KAKAPIRANGGOT MAKAKARMA MGA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with