‘Di Baleng Tamad, ‘Di Naman Pagod (2)

Sa rami na nang website na available ngayon na kailangan lang ay isang laptop o computer at puwede nang kumita ang iyong produkto, negosyo, at magtrabaho sa harap ng screen na kumikita ng malaki na hindi na kailangan umaalis ng bahay. Kahit ang pagiging hi-tech ng cell phone ngayon ay puwede gamiting pang-access sa online na trabaho. Akalain sa pamamagitan ng online jobs ay marami na ang kumikita ng malaki sa simpleng pagki-click lang sa Internet.

Hindi na kailangang mag-travel o ma-stuck sa traffic gamit ang cell phone o tablet sa pagma-market ng produkto o pagtatrabaho. Siguraduhin lang na lehitimo ang mga sites na sinasalihan bago ibigay ang mga detalye sa pag-log in. Aralin din ang mga dapat matutunan tulad ng pag-polish ng typing skills at micro-job na hinihinging requirement ng mga online jobs.

Show comments